Ang tigyawat o acne ay isang uri ng pamamaga ng balat na
sanhi ng impeksyon. Karaniwang kulay pula ang butlig nito o maitim na tuldok sa
ating mukha. Karaniwan sa pagbibinata o pagdadalaga ang pagkakaroon nito.
Ngunit ang bilang ba ng iyong tigyawat ay sobra na? Narito ang ilang solusyon
upang ito ay mabawasan at tuluyan ng mawala.
1.
Maghilamos bago matulog
Maghilamos gamit ang mild soap at
dahan dahang e-scrub ang mukha at least 30 seconds. Sa tuwing natutulog ang
isang tao nakakapagpahinga ang mga cells nito kung kaya’t mahalagang malinis
ang ating mukha upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat.
2.
Gumamit ng toner
Sa paggamit ng toner piliin ang
naaayon sa iyong pangangailangan. Kumuha lamang ng bulak at lagyan ng toner
ayon sa iyong kagustuhang dami at dahan dahang e-scrub sa mukha. Ang pagkuskos
ng madiin ay maaring maka ireta sa iyong tigyawat. Mas mainam kung gagamit ng
“anti-acne” upang sa ganon ay maibsan ang pagdami ng tigyawat sa iyong mukha.
Huwag gumamit ng matapang na toner kung sensitibo ang iyong balat.
3.
Gumamit ng moisturizer
Mahalaga ang paggamit ng moisturizer
upang hindi maging dry ang iyong balat. Kung oily ang iyong skin-type gumamit lamang
ng hindi oil based na moisturizer upang makaiwas sa lalong pagpapawis nito. At
ang oil-based moisturizer naman ay mainam para sa mga dry skin-type.
“Sundin lamang ang naunang tatlong
steps bago matulog. Wash, Tone and moisturize.”
4.
Labahan ang tuwalyang ginagamit
Isa sa dahilan ng pagdami ng tigyawat
ay ang paggamit ng maduming tuwalya. Naiipon kasi rito ang mga bacteria na
maaaring sanhi ng pagdami ng iyong tigyawat. Mas mainam kung lalabhan ang mga
ito pagkatapos gamitin. Maaari ring gumamit ng facial tissue sa pagtuyo ng
iyong mukha.
5.
Kumain ng susustansyang pagkain
Sa pagkain ng masusustansyang pagkain
maaaring maiwasan ang pagkakaroon at pagdami ng iyong tigyawat. Kumain ng
prutas at gulay, mahalaga rin ang pag-inom ng tubig ng higit sa walong baso ang
dami. Umiwas sa pagkaing mayaman sa carbohydrates, sugar at dairy products.
6.
Pagpahid ng ice-cubes
Ito ay nakatutulong upang magsara ang
pores at maiwasan ang paglabas ng oil sa iyong mukha. Nakatutulong ito upang
maiwasan ang pamumula at paglaki ng tigyawat.
7.
Iwasan ang madalas na paghawak sa
mukha
Ang kamay ay isa sa pinakamaruming
parte mg iyong katawan lalo na kung anu-ano ang iyong hinahawakan. Maaari
mapunta sa mukha ang bacteria na nagmula sa iyong kamay dahilan upang magkaroon
ka ng tigyawat. Mas mabuti kung maghuhugas muna ng kamay bago humawak sa iyong
mukha.
Ito ay ilan lamang sa mga tips na
maaaring makatulong sa iyong upang ang iyong tigyawat ay maiwasan.
Reference: rmn
