Ang kili-kili ay isa sa pinaka sensitibong parte ng
iyong balat. Kung kaya’t marami sa atin ang namomroblema dahil sa pagkakaroon
ng maitim at di kaaya ayang kili-kili. Isa karin ba sa mga nag iisip kung paano
masosulusyunan ito? Narito ang ilan sa mga sanhi at solusyon kung paano ito
mapapaputi.
Dahilan ng pag itim ng kili-kili:
1.
Hereditary o namamana
Kadalasan sa mga taong may maiitim na
kili kili ay namamana mula sa kanilang mga magulang. May ilan naman na maiitim
ang kulay ng balat maging sa kanilang kili-kili.
2.
Diabetes
Ang diabetes ay isa sa mga sakit na
maaaring maging sanhi ng pag-itim ng iyong kili-kili. Maaaring kumonsulta sa
espesyalista upang magamot ang iyong diabetes at maiwasan ang pag-itim ng iyong
kili-kili.
3.
Madalas at madiin na pagkuskos
Ang madalas at madiin na pagkuskos sa
iyong kili-kili ay maaaring magresulta ng pag-itim ng kili-kili. Iwasan ang pagkuskos
at pagkamot sa iyong kili-kili dahil maaaring itong ma-irritate. Tandaan na ang
kili-kili ay sensitibo.
4.
Pag gamit ng deodorant
Isa sa dahilan ng pag-itim ng
kili-kili ay pag gamit ng deodorant. May ilang deodorant na hindi angkop sa uri
ng iyong balat. Maaari itong makairita at mag cause ng allergy reaction sa iyong
balat. Maging mapanuri bago bumili at gumamit ng deodorant cream sa iyong
kili-kili.
5.
Madalas na pagbubunot at pag-ahit
Ang madalas na pagbubunot o pag-aahit
ng kili-kili ay maaaring magdulot ng impeksyon dahilan upang mangitim ang
kili-kili. Iwasan ang madalas na pagbunot at pag-ahit ng iyong kili-kili.
Tandaan na ang sobra at madalas ay nakasasama.
6.
Pagsusuot ng masikip na damit
Ang pagsusuot ng masikip na damit ay
maaaring magpaitim sa iyong kili-kili dahil maaaring kumiskis ang iyong damit sa kili-kili
dahilan upang mangitim ito. Iwasan ang madalas na pagsusuot nito.
Narito ang ilan sa mga mabisa at napatunayang paraan
ng pagpapaputi ng kili-kili:
1.
Pag
gamit ng gentle cleanser
Maaaring gumamit ng
“gentle cleanser” at kuskusin ito ng dahan dahan gamit ang malambot na tuwalya upang
matanggal ang “dead skin cells” sa iyong kili-kili. Iwasan ang madiin na
pagkuskos dito upang hindi lalong umitim ang iyong kili-kili.
2.
moisturizer
at oils
Sa pag gamit nito
maaaring magresulta ng paglambot at pagputi ng iyong kili-kili.
3.
Honey
at lemon
Maaaring gumamit ng honey
at lemon sa paglinis ng iyong kili-kili.
Iwasan ang madalas na pag gamit nito dahil maaari itong makasugat sa
iyong kili-kili.
4.
Tretinoin
(Retin-A)
Ang gamot na ito ay
nirereseta ng ilang doctor na maaaring makapagpaputi ng iyong kili-kili.
Kumonsulta sa doktor upang mas higit na makasigurado.
5.
Alcohol
Free Deodorant
Maaari itong mabili sa
mga department store. Piliin ang alcohol free deodorant upang mas mas ligtas sa
iyong balat.
Home
Remedies upang pumuti ang kili-kili:
1.
Cucumber
o Pipino
Ang pipino ay may bleaching properties na makatutulong upang kuminis at
mapanatiling flawless ang iyong kili-kili. Hiwain ang pipino ng maliliit at
dahan dahan itong ikuskos sa iyong kili-kili ng isa hanggang dalawang beses sa
isang araw.
2.
Baking Soda
Ang baking soda ay maaaring gamitin sa pagpapaganda dahil sa taglay nito
expololiating properties na nakatutulong upang matanggal ang “ dead skin cells”
na dahilan ng pag itim ng iyong kili-kili. Ang baking soda ay nakatutulong rin
upang malinis ang iyong underarm pores na nagbabara dahil sa paggamit ng
deodorant. Ihalo lamang ang baking soda sa kaunting tubig hanggang sa magmukha
itong paste at dahan dahang ikuskos sa iyong kili-kili. Pagtapos ay banlawan at
gumamit ng malambot na tuwalya sa pagtuyo nito.
3.
Coconut
oil
Mayaman ang coconut oil sa vitamin-E na maaaring makapag moisturize ng
iyong balat. Mainam na paraan ito upang magpaputi. Mahalagang mapanatiling
fresh ang iyong kili-kili. Mabisa rin itong pampawala ng body odor. Ipahid
lamang ang coconut oil sa iyong kili-kili at ibabad ito hanggang sampung
minuto. Banlawan ito ng mabuti pagkatapos.
4.
Potato
o patatas
Alam nyo ba na ang patatas ay mayaman rin sa bleaching properties? Hiwain
din ito ng malilit at imasahe ito sa iyong kili-kili. Ibabad ito ng lima
hanggang sampung minuto. Banlawan ng maigi pagkatapos at tuyuin ng malambot na
tuwalya. Maaari itong gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
5.
Lemon
Ang lemon ay mayaman sa cleansing at bleaching properties kung kaya’t
hindi nakapagtataka na maaari itong gamitin sa pagpapaputi ng ating Kili-kili. Ipahid
lang ang lemon kasabay sa pagligo. Maaari itong gawin isa hanggang dalawang
beses sa isang linggo.
Kung wala naman nito maaari ring gumamit ng apple cider, aloe vera,
turmeric o sunflower oil bilang alternatibo.
