Mga pagkaing nakakapayat


1. Oatmeal
Ang oatmeak ay nakatutulong upang makontrol ang iyong timbang. Mayaman ito sa dietary fiber nakakatulong ito upang pababain ang iyong cholesterol levels. Nakatutulong upang maging malusog ang iyong katawan at nakababawas ng taba. 

2. Tubig 
Ang tubig ay walang calories at hindi nakakataba kumpara sa softdrinks at juice. Uminom ng tubig bago kumain upang sa ganitong paraan mararamdaman mong ikaw ay busog na at makakaiwas sa labis na bilang o dami ng pagkain. Sa ganitong paraan hindi ka tataba.

3. Brown Rice
Ang brown rice ay mas masustansya kaysa sa puting bigas. Mayaman ang brown rice sa fiber. Nakatutulong din ito upang mapababa ang iyong cholesterol. Mas mababa rin ang calories nito kumpara sa puting bigas.

4. Itlog
Ang nilagang itlog ay mayaman sa vitamin-A, folate, Vitamin B5, phosphorus at selenium. Mayaman din ito sa protein mainam upang mas madevelop ang muscles lalo na kung ikaw ay nagwowork out. Ang itlog ay may kakayahang gawin tayong busog sa mahabang oras. Sa ganitong paraan mas maiiwasan nating kumain ng kumain.

5. Isda
Tulad ng itlog high in protein din ang isda. Nakatutulong ito para sa ating muscle development. Ang isda ay hindi nakakataba dahil halos wala itong saturated fat. Mas mabuti kung pipiliin ay mga isdang dagat tulad ng tuna at salmon kaysa sa matatabang isda tulad ng tilapia.




6. Gulay
Sagana sa dietary fiber ang gulay nakatutulong ito sa ating digestion. Ang gulay ay low-calories at fat free. Kadalasan ginawa itong salad ng mga nagda diet.

7. Kape
Ang kape ay may taglay na caffeine, napapabilis nito ang ating metabolismo at nakakapag burn ng fats sa ating katawan.

8. Saging
Alam nyo ba na ang saging ay sagana rin sa fiber? Nakatutulong din ito sa ating digestion tulad ng gulay. Sagana ito sa nutrients tulad ng iron, potassium at calcium. Nakatutulong din ito sa pagpapapayat kahit high in sugar ito huwag lang haluan o sabayan ng fatty foods. Ang saging ay masustansya nakatutulong sa may ulcer at nag eehersisyo. 

9. Green Tea
Ang pag inom ng green tea ay nakatutulong upang mabawasan ang taba sa atay.

10. Yogurt at low-fat milk
Mas mababa sa taba ang mga ito kumpara sa normal o regular na gatas.

“Ito ay ilan lamang sa mga pagkaing nakakapayat.”

Reference: rmn

Share on Google Plus